Monday, June 22, 2009

BUSINA: Ibasura, Chacha ni Gloria

Ilang taon nang isyu and sinasabing Charter Change ni Gloria o ang tinatawag na Chacha. Pero masasabi nating matunog pa rin ito sa ngayo dahil maaring isa ito sa pamamaraan ng ating pangulo na humaba pa ang pagkakaupo nya sa kaniyang pwesto sa ngayon. Alam naman natin na para sa sariling kapakanan lamang nya ang dahilan kung bakit maraming opisyales ang nagkukumahig na ipaglaban ito. Matagl na itong isyu na ito pero may nagagawa ba tayo ukol dito? Alam ba natin ang tungkol dito?

Marami sa mga Pilipino sa ngayon ay nagkakaroon ng kakulangan sa impormasyon o sinasabing unaware sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Pero sabi nga sa wikang Ingles na "ignorance is not an excuse". Hindi magandang dahilan ang kawalan ng kaalaman ukol dito upang walang gawin ang bawat isa sa atin. Lahat tayo ay magagawa kung gugustuhin natin. kahit sa maliliit na pamamaraan ay makakatulong tayo na labanan ang anumang katiwalian.

Noong June 22, 2009 ng hapon, ganap na ika-6, nagkaroon ng noise barrage ang mga estudyante ng DLSU-M at CSB. Ikinararangal kong sabihin na isa ako sa mga sumali sa activity na iyon ngunit ikinalulungkot ko ang pagkapansin na kakaunti ang pumuntang lasalyano kung ikukumpara ang dami ng estudyanteng nag-aaral dito. Isa ba itong indikasyon na ang mga Lasalyano ay walang alam?

Maraming maliliit na pamamaraan ang magagawa natin para makatulong o matulungan ang sarili upang maging huwaran. Lagi nating napapag-usapan ang "will I make a difference? or how can I make a difference" pero hindi naman natin ito naisasabuhay ng maayos.