Monday, February 21, 2011

(Critical Commentary) Post- Feminism: next stage or the death stage?

Kapag maririnig o mababasa natin ang salitang Feminismo o Feminism kadalasang ang susunod na maiisip natin ay ang pagkaabuso sa maraming kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nariyan ang babae bilang isang sex object, isang katulong, o anumang katayuan sa lipunan na hindi hahangarin ninuman. Sa madaling salita, ang mga babae ay hindi nagkakaroon ng pagtratong nakukuha ng mga lalaki. Dahil sa laganap at lumalalang pagmamaltrato sa pagiging babae, maraming mga kababaihan ang bumangon, tumayo, at nanindigan upang baguhin ang ikot ng mundo sa pamamagitan ng paghahangad ng pantay na pagtingin sa pagitan ng isang babae at isang lalaki. Dito sinilang ang concepto ng Feminismo kasabay ng katanungang “kaya bang PANTAYAN ng babae ang lalaki?”


Tunay ngang kahanga hanga ang mga kababaihang nagsimula ng kampanya sa paghinto ng pagmamaltrato sa mga kababaihan noon. Unti-unting napagbukasan ng pinto ang mga kababaihan sa mga mas kapakipakinabang na pagkakataon. Ang kaisipang ito pa lamang ay isa nang kahanga hangang ipinamalas ng kababaihan. Ang aktong paglaban sa tradisyunal na estado ng kababaihan ay nagpapakita na na may nagagawa ang mga babae kaya hindi dapat sila isinasantabi lamang. Ngunit ang pakikipaglaban ng mga kababaihan ay hindi nagging madali sapagkat dumaan ito sa mahabang panahon at napagdaanan ang maraming pagsubok. At sa pagdaan ng panahon, nababago ang pamamaraan at kaisipan ng mga kababaihan sa pagkampanya ng kanilang kapakanan. Sa kasalukuyan ay mayroon tayong tinatwag na Post-feminism. Ano nga ba ang Post-Feminism?

Sa pangalan palang, Post-feminism, ay isa nang bagay na nagdudulot ng maraming katanungan sa aking isipan, ano pa nga ba pagdating sa kahulugan nito? Kung titignang mabuti, maraming pwedeng maging kahulugan at kagamitan ang salitang Post-Feminism. Maaring ang ibig sabihin nito ay ang katapusan ng feminism, o yung latest wave of feminism,next stage of feminism, o pwede ring anti-feminism. Isa lang ang maaaring ibig sabihin nito, ito ay ang kasalukuyang kalagayan ng feminism pagkatapos ng feminismong alam natin na lumalaban para sa kapakanan ng mga kababaihan.

Sa madaling salita, kasalukuyang Malabo na ang katayuan sa mundo. May mga nagsasabing hindi na mahalaga ang kampanya ng feminism dahil nakamit na ito, mayroon din naming nagsasabi na kailangan pa ng mas madugong laban upang tuluyang makamit ang kanilang layunin. Alinman sa dalawa, isa lang ang may kasiguraduhan, ito ay ang katotohanang may kakayahan ang mga kababaihan kaya hindi dapat sila minamaliit sa lipunan. Ito ay mapapatunayan mismo ng ideya ng pagkakaroon ng feminism sa mundo. Isang kahanga hangang gawa ang naipamalas ng mga kababaihan noong unang isinilang ang idehiloyang ito. At dahil dito, mas lalong naipapakita ang kagalingan ng mga kababihan sa lipunan.

Iilang halimbawa ng Feminismo sa ngayon ay ang pagtanggap ng Pilipinas na magkaroon na babaeng pangulo. Dalawang babae na ang naihalal upang ipagkatiwala ng mga Filipino ang bansa sa mga pangulong iyon. Makikitang hindi nagging bigo ang mga kababihan na ipamalas ang kanilang kakayahan. Nakamit na ng kababaihan ang hinahangad nilang kapantayan sa pagitan ng babae at lalaki. Ngunit hindi ditto nagtatapos ang feminism, dahil ang post-feminism ay nagtatanong “kaya bang HIGITAN ng babae ang lalaki?”

Sunday, February 20, 2011

Ang Makabagong Pagbalik Tanaw: Beyond Conspiracy, 25 Years After the Aquino Assassination

Sinasabing ang teknolohiya raw, lalo na ang media, ang isa sa nakakaimpluwensya sa apg-iisip at pagkilos ng tao sapagkat ito ang pinakamadali at nakakalibang na pamamaraan. Dahil sa patuloy na pagtankilik ng tao sa media, sinasamantala ng iba’t ibang personalidad, lalo na ng pulitiko, ang ganitong kaganapan para maisagawa ang mga bagy bagy na gusto nila mangyari. Isa na dito ang layuning buhayin ang mga alala ng mga taong nakapaglikha ng kahusayan sa bansa. Tulad na lamang ni Ninoy Aquino na kilala pa rin sa ngayon dahil sa walang tigil na pagbuhay sa kanyang alaala gamit ang media. Sa ganitong panahon na papalapit nanaman ang araw na naganap ang Edsa Revolution, paulit ulit na naipapakita ang mga alaala kay Ninoy.


Noong ika-21 ng Agosto, taong 1983, ay naganap ang isa sa mga makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas- ang pagkamatay ng isang tinuturing na bayani na si Benigni Aquino Jr. (a.k.a Ninoy). Sa pagdaan ng maraming taon, ikasaktong 25 taon matapos ang palaisipang pagpatay kay Ninoy, nakapaglikha ng maikling film documentary na pinamagatang “Beyond Conspiracy, 25 Years After the Aquino Assassination”. Sa loob ng 90 minuto, naipakita ng dokumentaryong ito ang buod ng buhay ni Ninoy at sa huli ay ipinakita ang mga maaring sagot sa maraing katanungan ukol sa kantayng kamatayan.

Sinimualn ang dokumentaryo sa pamamagitan ng paglalahad at paglalarawan sa naging buhay ni Ninoy bago pa lamang sumabak sa pulitika. Kapansin pansin na sa murang edad pa lamang ay nasimulan na nyang makagawa ng maipagmamalaking gawain para sa kanyang sarili. Sa edad na 17, nagsimula na siyang maging aktibo sa mga usaping pambansa na nagmulat sa kanyang mura kaisipan at nakapaghasa ng kanyang katangian at kakayahan. Sa pagsabak sa pulitika at pagpasok sa mundo ng negosyo, nagamit niya ang mga katangiang nakuha nya tulad ng pagiging matapang at responsableng tao. Sa likod ng maraming hadlang sa kangyang pag-unlad bilang tao, bilang negosyante at bilang pulitiko, hndi ito naging sanhi ng kanyang pagkatalo sa mga nasabing larangan. Sa pagdaan ng mga araw, naging kilalang tao si Ninoy at masasabing nakuha niya ang tiwala ng maraming mamamayan dahil sa natatanging nitong katangian na pagiging makabayan. Dahil sa mga tagumapay na kanyang natamo, umani ng maraming tiwala si Ninoy ngunit kasabay din nito ay ang pagkakaroon ng maraming kaaway sa pulitika. Isa na rito ang dating pangulong Ferdinand Marcos (FM) na naglagay sa kanya sa bilangguan. Sa ilang taong niyang pagkabilanggo, hindi pa rin nawala ang pagnanais ni Ninoy na makatulong sa bayan, samantalang mas lalong naging matapang na harapin ang malaki at makapangyarihang administrasyon ni FM. Maraming bagay ang di sinang-ayunan ni Ninoy sa pagpapalakad ni FM kaya naman maraming marahas na pangyayari at gulo ang naganap noong mga panahon ng matinding tensyon na namamagitan sa dalawang. Upang maiwasan ang lalong pagdanak ng dugo sa bansa, nirekomenda at pinayagan ni FM si Ninoy na pumunta ng Amerika at doon mapgpagamot at manirahan ng tahimik. Sa mga panahong ito, dito naranasa ni Ninoy at ng kanyang pamilya ang katahimikan ng buhay. Ngunit si Ninoy, bilang isang makabayan, ay hindi napapalagay sa mga balitang nalalaman niya tungkol sa kalagayan ng Pilipinas kaya naman napagdesisyunang umuwi na lamang ng bansa. Sa araw din ng pagtapak niya sa lupa ng Pilipinas ay kasabay naman ang pagkitil sa kanyang buhay sa di pa nakikilalang tao. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa marami kung sino ang pumatay o ang mastermind na nagpapatay kay Ninoy.

Sa pagdaan ng maraming taoon, masasabing unti unti nang nakakalimutan ng mga Pilipino ang pagpapamalas ni Ninoy na pagiging bayani sa pamamagitan ng pagbuwis ng buhay. Marami ring kabataan sa ngayon ang di pa lubusang nalalaman ang kasaysayang ito. Mahalagang maipamahagi sa mga kabataang katulad ko ang kwento ng buhay ni Ninoy sapagkat dito napapamalas ang isang mukha ng pagiging makabayan. Pero sa tulong ng teknolohiya, ng Mass media, madali na lamang naipapakita sa mga kabataan ngayon ang mga naganap noon. Ito ang isang bagay na naitutulong ng Mass media, ang maipalaganap ang kasaysayan.