Kapag maririnig o mababasa natin ang salitang Feminismo o Feminism kadalasang ang susunod na maiisip natin ay ang pagkaabuso sa maraming kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nariyan ang babae bilang isang sex object, isang katulong, o anumang katayuan sa lipunan na hindi hahangarin ninuman. Sa madaling salita, ang mga babae ay hindi nagkakaroon ng pagtratong nakukuha ng mga lalaki. Dahil sa laganap at lumalalang pagmamaltrato sa pagiging babae, maraming mga kababaihan ang bumangon, tumayo, at nanindigan upang baguhin ang ikot ng mundo sa pamamagitan ng paghahangad ng pantay na pagtingin sa pagitan ng isang babae at isang lalaki. Dito sinilang ang concepto ng Feminismo kasabay ng katanungang “kaya bang PANTAYAN ng babae ang lalaki?”
Tunay ngang kahanga hanga ang mga kababaihang nagsimula ng kampanya sa paghinto ng pagmamaltrato sa mga kababaihan noon. Unti-unting napagbukasan ng pinto ang mga kababaihan sa mga mas kapakipakinabang na pagkakataon. Ang kaisipang ito pa lamang ay isa nang kahanga hangang ipinamalas ng kababaihan. Ang aktong paglaban sa tradisyunal na estado ng kababaihan ay nagpapakita na na may nagagawa ang mga babae kaya hindi dapat sila isinasantabi lamang. Ngunit ang pakikipaglaban ng mga kababaihan ay hindi nagging madali sapagkat dumaan ito sa mahabang panahon at napagdaanan ang maraming pagsubok. At sa pagdaan ng panahon, nababago ang pamamaraan at kaisipan ng mga kababaihan sa pagkampanya ng kanilang kapakanan. Sa kasalukuyan ay mayroon tayong tinatwag na Post-feminism. Ano nga ba ang Post-Feminism?
Sa pangalan palang, Post-feminism, ay isa nang bagay na nagdudulot ng maraming katanungan sa aking isipan, ano pa nga ba pagdating sa kahulugan nito? Kung titignang mabuti, maraming pwedeng maging kahulugan at kagamitan ang salitang Post-Feminism. Maaring ang ibig sabihin nito ay ang katapusan ng feminism, o yung latest wave of feminism,next stage of feminism, o pwede ring anti-feminism. Isa lang ang maaaring ibig sabihin nito, ito ay ang kasalukuyang kalagayan ng feminism pagkatapos ng feminismong alam natin na lumalaban para sa kapakanan ng mga kababaihan.
Sa madaling salita, kasalukuyang Malabo na ang katayuan sa mundo. May mga nagsasabing hindi na mahalaga ang kampanya ng feminism dahil nakamit na ito, mayroon din naming nagsasabi na kailangan pa ng mas madugong laban upang tuluyang makamit ang kanilang layunin. Alinman sa dalawa, isa lang ang may kasiguraduhan, ito ay ang katotohanang may kakayahan ang mga kababaihan kaya hindi dapat sila minamaliit sa lipunan. Ito ay mapapatunayan mismo ng ideya ng pagkakaroon ng feminism sa mundo. Isang kahanga hangang gawa ang naipamalas ng mga kababaihan noong unang isinilang ang idehiloyang ito. At dahil dito, mas lalong naipapakita ang kagalingan ng mga kababihan sa lipunan.
Iilang halimbawa ng Feminismo sa ngayon ay ang pagtanggap ng Pilipinas na magkaroon na babaeng pangulo. Dalawang babae na ang naihalal upang ipagkatiwala ng mga Filipino ang bansa sa mga pangulong iyon. Makikitang hindi nagging bigo ang mga kababihan na ipamalas ang kanilang kakayahan. Nakamit na ng kababaihan ang hinahangad nilang kapantayan sa pagitan ng babae at lalaki. Ngunit hindi ditto nagtatapos ang feminism, dahil ang post-feminism ay nagtatanong “kaya bang HIGITAN ng babae ang lalaki?”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment