Wednesday, March 30, 2011

Cultural Product: Feminism in Bitoy’s song Mas mahal na kita ngayon?


Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon
Mas mahal na kita ngayon, at sa habang panahon
Wala akong pakialam sa ‘king nakaraan
Kahit na ako’y pinagtatawanan
Ang mahalaga’y mas mahal na kita ngayon
Dahil…
Di mo na ‘ko tinutulak sa’ting hagdanan
Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi pag ako’y tulog nang mahimbing
Di mo na ako tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
Di mo na ‘ko sinisipa sa ‘king harapan
At mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding hindi mo na ‘ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Mas mahal na kita ngayon
‘Wag ka nang magtatanong
Basta’t mahal na kita ngayon
Yan ang lagi kong tugon
Kahit di mo nakikita o nararamdaman
Ang aking tuwa ay walang paglagyan
Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon
Dahil…
Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At pag sinabi mo sa ‘king gupit ko’y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na ‘ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga’y mas mahal na kita ngayon
Dahil…
Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko’y nireyp ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na’ko pinapalo ng tubo
‘Di mo na pinapalayas ng nakahubo
‘Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon… howohuwohuwo
(‘Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong… ataul…
Hay salamat!
            Sa unang beses na pagkakataong mapakinggan ang kantang “Mas Mahal na kita ngayon” ni Michael V., iba’t ibang reaksyon ang maari nating maramdaman dahil sa mensaheng hatid ng awiting ito. Maaring ito ay ikagalit natin, ikasama ng loob, ikatuwa, o ikagaan ng loob nating mga tagapakinig. Hindi man natin aminin, pero tunay ngang nakakaagaw pansin ang kantang ito hindi lamang dahil sa mensahe kundi dahil na din sa kagaanan ng ginamit natunog at nota. Sinabayan pa ng isang kalmadong pagkanta ni bitoy na dumagdag sa masarap na pakikinig nito. Ang bawat mensahe ng kanta ay nagdudulot ng kahit kakaunting ngiti dahil sa katatawanang pamamaraan na binanggit sa bawat taludtud ng awitin. Patunay lamang itong napakagaling na singer at composer nitong si Michael. Ngunit kung susuriing mabuti ang kantang ito, iba’t ibang mensahe o reyalisasyon ang maari nating mapulot. Napakamahiwaga ng kantang ito sa iba’t ibang pamamaraan.
            Ang kantang ito ay umiikot sa kwento ng dalawang magkasintahan na masasabi kong hindi ganoon kayaman. Ito ay pinatutunayan ng mga liriko na naghahambing sa lugar na kanilang ginagalawan. Nasbanggit sa kanta ang tungkol sa kulam, maligno at pagiging satanista. Ito ay mga terminong bibihira na natin maririnig na ginagamit ng mga taong nasa syudad o iyong mga taong mayayaman. Ang paggamit ng tauhan sa kanta ng mga terminong ito ay nagpapahiwatig na patuloy na paniniwala sa maligno at kulam. Ang dalawang taong ito, na magkasintahan, ay nakatira sa isang mataas na lugar, o maaring sa dalawang palapag na bahay. Ang paggamit ng “hagdanan” sa kanta ay paglalarawan ng ganitong tagpuan. Sa kanatang ito, makikitang ang pangunahing tauhan, iyong kumakanta, ay isang ordinaryong tao na nagmamahal na lubusan sa kanyang kasintahan. Ang pangalawang tauhan, ang tinutukoy ng kumakanta, ay naglalarawan ng isang taong matapang, palaaway, at mapagsamantala sa pagmamahal ng nasabing pangunahing tauhan. May mga bagay bagay na nabanggit sa knata ng nagpapakitang sinasaktan pisikal at emosyunal ng ikalawng tauhan ang pangunahing tauhan. Ang mga karahasang dinaranas ng pangunahing tauhan ay tinitiis lamang niya nang dahil sa sobrang pagmamahal. Ang mga pagmamalupit ng ikalawang tauhan ay hindi lang basta bata pananakit. Ang paglalarawan ng kanta ay nagpapakitang ito ay marahas na pagmamalupit. Ngunit sa huli, natapos ang kanta nang pumanaw ang ikalawang tauhan.
            Kung pakikinggan lamang ang kanta, marami sa atin ang matatawa dahil sa nakakatuwang istilong ginamit ni Bitoy sa paglalarawan ng mag naganap. Pero para sa ibang tao, ang kantang ito ay nagpapakita ng kakayahan ng isang babae. Dahil sa kadahilanang lalaki ang umawit ng kantang ito, agad na papasok sa isip natin na ang tinutukoy ng kumakanta ay isang babaeng malakas at marahas sa kanyang nobyo. Ang pagiging lalaki ni Bitoy at ng ibang lalaking kumanta ng awiting ito ay nagpapatunay na babae nga ang ikalawang tao. Dahil dito, makikitang ang kakayanan ng isang babae na gawin ang mga bagay bagay na nagawa nya sa kanata ay pagpapakitang hindi na sunud-sunudan o alipin ng lalaki ang babae. Isa itong pagpoapakita na hindi lang napapantayan ng babae ang lalaki kundi nahihigitan pa pagdating sa kanilang relasyon. Ito na ba ang pagpapakitang tagumpay ang Feminismo sa bansa?
            Kung papakinggang mabuti ang kanta, makikitang walang kasariang binanggit ang composer. Bagaman lalaking boses ang kumanta, hindi nito mapapatunayan, ng pangkalahatan at sigurado, na ang kantang ito nga ay tumutukoy sa lalaking binubugbog ng babae. Parang isang kaisipan ang iniwan sa mga tagapakinig tungkol sa kasarian ng kumanta at ng kinakantahan niya. Hindi kaya may ipinahihiwatig ang gumawa ng kanta? Hindi kaya lalaki rin ang kinakantahan ng nauna?  Kung titignang mabuti ang kanta, parang mahirap paniwalaan na makakayahan ng isang babae gawin ang mga ganoong bagay dahil sa iba’t ibang aspeto. Una, ang babae ay natural nang mahina pagdating sa pisikal na kalakasan. May mga nabanggit sa kanta na ginagawa ang ikalawang tauhan na bibihira gawin ng ordinaryong babae. Ang paghampas ng bakal na tubo, ang pagngudngod sa kalan, at ang pagtulak sa hagdan ay ilan sa mga gawaing kayang kaya ng isang lalaki. Ang ugaling pagiging marahas na ipinakita ng ikalawang tauhan ay maari ring ugali ng isang lalaki. Sa madaling salita, maaring ang magkasintahan sa kanta ay parehong lalaki.
Upang mas mapatibay ang argumentong ito, naalala ko ang mga sumikat na kanta ng composer ng kanatang Mas mahal na kita ngayon na si Michale V. O Bitoy. Kung matatandaan, bago sa kanatang ito ay may naunang kanta pa siyang sumikat na nauukol sa kasarian ng isang tao, ang “Hindi ako Bakla”. Ang kantang ito ay umiikot lang sa kwento ng isang lalaki na naglalabas nang tunay niyang pagtingin sa sariling kasarian. Sa madaling salita, ang kanyang kabaklaan ay higit pa sa pagiging bakla, kundi ay isang ganap na babae bagamat ipinanganak na lalaki. Noong mga isang dekada na ang nakalilipas, may isang kantang ginawa at inawit si Bitoy na kahawig ng kanta nyang Mas mahal na kita ngayon. Ito ay ang kanatang “Sinaktan mo ang puso ko”. Sa awiting ito, isinasalaysay rin ng isang lalaki ang karahasan ng kanayang kasintahan sa kanya. Nariyan din ang pananakit na pisikal at emosyunal. Hindi kaya iisa lang ang katauhang gumaganap sa pangunahing katauhan ng kantang Sinaktan mo ang puso ko, hindi ako bakla, at ng Mas mahal na kita ngayon?
Sa Pilipinas, ang katayuan ng isang babae ay hindi na masyado usapin sapagkat nabibigyan na ng pantay na pagtingin ang babae sa lalaki. Ngunit sa kantang ipinamahagi sa atin ni Bitoy, hindi kaya may panibagong usapin ng pagkakapantay pantay nanaman ang gusto niyang iparating mula pa noong nakaraang dekada? Maaring ito ay ukol sa katayuan ng mga binabae...


No comments:

Post a Comment